Home

argh

  • Nov. 8th, 2009 at 1:10 PM
glad
sobrang busy last week. trabaho-bahay lang ang moda ko tapos nagkasakit sakit pa in between. at may mga nang-aaway pa on the side.  ayus din. nakakatawa lang sila eh. tsktsk.

anyway, masaya naman ako sa ginagawa ko sa work ngayon.  nag-iimprove ang level ng contact with my engineer crush. hihi! gabriel pala ang pangalan nya...haaay!

mukang effective din ang trying to pull myself away mode ko. yey!

hay. linggo lang ang pahinga. 

happy accidents

  • Nov. 2nd, 2009 at 7:18 PM
went 1
sobrang saya last week! andaming mga naganap na happy accidents. lam mo yun, mga di naman sinasadyang mangyari, pero sobrang astig dahil nangyari sya at nag-iwan pa sya ng malupet na feeling after.

nung monday, nagkitakits kami ng birds. la yamsuan, ramon bautista at ino magno. bigla lang ang mga pangyayari. astig nga bilang nagyaya lang si la tapos nagpuntahan naman kami.  mas ok talaga pag hindi pinaplano. tagal din naming hindi nagkitakits ng mga to.

tapos yung ping incident sa taumbayan last tuesday. di talaga ako dapat sasama kay alfred nun bilang may lakad dapat kami ni wap. pero nung paalis na kami ng opis, nagkatamaran na kami ni wap at ayun, sumama ako kina alfred at mohini. yun yung unang labas namin ni alfred pagkatapos ng more than one year na hindi pagkikita. mineet namin si micah, frend ni alfred. tapos bestfriend pala ni micah si ping, tas nalaman nyang mahal ko si ping, at ayun tinawagan nya.  pumunta naman si ping sa taumbayan. hayhay grabe lang yung mga kaganapan pagdating ni ping. bilang mga direktor at artista at editor at DOP ang kasama ko, hindi ako nakaligtas sa panunukso nila. at bilang artista si ping, pinag-act nila kami kunwari ng isang eksena. hay grabe lang yung nagmemelt ako sa mga tingin ni ping. hahaha! di ko na ikukwento details, andami eh.  basta sobrang saya lang nakabond ko si ping. astig sya bilang tao. grabe ilang araw din akong 'cant stop smiling mode' dahil sa kanya.

nung wensday naman, tomato kick mode ako with alfred and la. magkahiwalay na table nga lang, palipat lipat ako. grabe ansarap ng tinapesto! dun ko natikman ang pinakamasarap na pesto ever!

thursday nagedit ako sa runway tapos makati after. nagdinner kami ng andoks nina onin at eli at nic sa opis habang inaantay sina wap at jojo.  nung dumating na yung dalawa, go go toyz naman kami bilang may tugtog dun si lei. answerte lang namin nung gabing yun bilang lahat ng mga kaganapan ay fumavor samin.

friday night naman, nagedit kami sa knowledge.  bumabagyo nun at ang hirap makahanap ng taxi. nagtry sina alfred at japs pero nabigo sila. nung ako naman nag-attempt pumara ng taxi, ayun me tumigil agad. haha. pordat, dumiretso kami ni alfred kay tinz para kunin ang hiniram kong nurse outfit kay syrel (na by the way ay aksidente ko lang din nalaman kay peter dizon na may ganun pala sya). so yun, habang bumabagyo, nasa kalye juan kami nina tinz at alfred, kumakain ng uber sarap na sizzling tuna at bangus kare kare. grabe sobrang dabest yung kare kare! as in. di ako makaget-over.  thanks guyst! lalo na sa support sa mga endeavors ko in life. hehe. diba tinz? at natuklasan ko pa nung gabing yun na yung apartment pala ni tinz yung pinagshootan ng mangatyanan. (nastarstruck sa bahay?!)

saturday humouse party kami sa bahay ni eli. sayang hindi gumana yung videoke pero keri lang, pumictorial na lang kami nang bonggang bongga.

kanina naman, monday morning, maaga ako nagising.  naisip ko magjog sa UP.  nung andun na ko, tinext ko si mike bilang naalala ko, niyaya nya ako dati tumakbo. in fairness naman game lang si mike kaya yun. nagkita kami dun at inattempt namin takbuhin yung ruta nya. kaso ambilis ko napagod, grrr! lakad takbo tuloy kami. buti na lang may dala syang bike, kaya umisang round kami sa oval na nagbabike ako, tumatakbo sya. sarap sa UP pag umaga! maulit nga. pero dapat mas may energy na ko para masabayan ko si mike. hehe.

isang happy accident din pala ang pagedit ko sa knowledge channel bilang si mike ang unang tinawagan ni alfred. hindi sya pwede kaya ayun, gumow naman ako. at dahil dun, sobrang hapi hapi joy joy ako sa knowledge.  sobrang bait at saya ng mga tao. sabi nila rumegular raket na raw ako dun. hihi waynat? go lang ako.

hayhay. nilulook forward ko na ang mga magaganap sa week na to... sana makabond ko uli si ping.  at magtuluy-tuloy na ang pagmumove forward ko in life. hehe. answerte ko andami kong kaibigan na tumutulong sakin sa iba't ibang aspeto.  hayhay. ♥♥♥

Tags:

epekto ng madaling-araw

  • Oct. 18th, 2009 at 12:54 PM
glad

naglalakad di alam kung san tutungo

sa timog o kanluran di ko rin alam

kung san mapadpad

pangarap natin sana'y matupad...

-salo [nani naguit]

***

gusto ko kumanta nang maraming marami.

gusto ko magshoot ng dokyu.

gusto ko magwall climbing.

gusto ko tumakbo at magpakalayu-layo.

gusto ko ng bagong environment.

gusto ko ng kaakap.

gusto ko na mag-active sa church.

gusto ko matuto ng dancesport.

gusto ko magpamasahe nang malupet.

gusto ko manood ng maraming pelikula.

***

salamat sa acacia

salamat din sa ulan

salamat din sa payong mo

salamat na rin sayo

-salamat sa pag-ibig [nani naguit]

 

monday things

  • Oct. 6th, 2009 at 9:37 AM
went 5

Andaming nagaganap na masasayang bagay ngayon. Di ko alam kung bakit, me bumabawi lang siguro. Hehe.

Kagabi nagdinner kami nina wap, eli, onin at gino sa banana leaf. Very sulit lang yung mga nilafang namin at dineclare pa namin na mas ok dun kesa sa ebun. May potential barurot manager pa. haha.  Isa sa mga highlights ng gabing to ay ang pagkasalubong namin ni wap kay precious lar a quigaman. Grabe lang yung nag-hang kami nung nakita namin sya. Grabe sobrang gandaaa! Hindi sya tao. Isa syang dyosa.

After dinner, go go Spanish filmfest naman kami sa cinema 1 ng greenbelt 3.  Pinanood namin yung 3 DIAS (Before the Fall).  Grabe sobrang ganda nung pelikula! Two thumbs up ako sa lahat ng aspeto nya. Ang galing ng editing, cinematography, musical score, screenplay, sound design, production design, acting…lahat!  Napapakapit talaga ako sa balabal ko habang nanonood eh. At shempre hindi lang yung pelikula mismo ang naenjoy namin nung gabing yun.  Oh how we love film festival crowds!  Andami naming naispatan na barurot. Haha. Nakaimbento pa kami ng sound for barurot alert. ;)

Tumambay kami sa tapat ng opis pagkatapos nung pelikula. Kwentuhan habang nag-aantay kina eli at lumalasap ng masarap na hangin at tumitingin sa buwan.  Pagkatapos ng mga ilang oras ng pagpapakagat sa lamok at pagtatakutan, napagdesisyunan naming pumunta na sa 7eleven para bumili ng something.  At tumambay sa park pagkatapos.

Ang ganda nung moment sa park.  Umakyat kami ng puno ni wap habang si eli nasa bench lang. hehe. Grabe di ko na maalala kung kelan yung huling akyat ko ng puno.  In fairness naman kagabi naexercise ang wall climbing skills ko. Haha.  ang ganda ng view  mula dun sa napwestuhan ko. Ansarap tingnan ng buwan na sumisilip sa mga dahon.  Ansarap ng simoy ng hangin. Kaming tatlo at si kuya janitor lang ang nasa park.  Sobrang kalma lang talaga nung feel. Para sakin good thing yun, pero nafreakyhan si wap. Haha. Kaya ayun, nagpatugtog kami ng la vie en rose – gustung gusto namin yung kantang yun pero kagabi parang post war period ung feeling.  Por dat, feel good na lang pinatugtog namin. Whenever I see your smiling face, I gotta feeling, at mga kanta ng The Shins.

Ansaya ng ending ng tambay na to. di ko na ieeelaborate dito kung bakit…magsusulat ako ng hiwalay na entry for that. Hehe.

Hay hay. Ansaya ko lang talaga sa mga nagaganap ngayon. Yun lang. :)

 

movie marathon

  • Oct. 4th, 2009 at 11:11 AM
went 6
sobrang saya lang ng sunday na to. perfect na weekend eh.

nung umaga, nagchurch ako with my sister and cousin.  dito sa bahay naglunch. tapos go go sa edsa shangri-la pagktapos.  nagmovie marathon kami nina wap, eli at onin. korean filmfest.  tapos sa glorietta after.

bago pala kami nanood ng sine, nanlibre muna si eli ng froyo sa hobbes and landes.  tapos bumili ako ng scrabble.  actually hindi scrabble yung brand nya, crossword. ansaya saya! hindi dahil shopaholic ako...kundi dahil matagal na talaga namin gusto magkascrabble dito sa bahay. hehe.

first movie na pinanood namin sa korean filmfest ay SA-KWA. love story ito. keri keri lang yung movie. isa syang melodrama. may 'the ex factor' mode pa sya. simple lang yung kwento. pati ang treatment. sa sobrang simple nya, hindi tuloy sya nakapag-iwan ng mark sakin.

pagkatapos ng sa-kwa, nanlibre naman si onin sa haagen dazs. tengks uli ngips! may pictures to bilang patunay, antayin na lang natin na ipost ni onin. hehe.  tapos nun, go go sa pangalawang pelikula ng marathon. OLDBOY.  napanood ko na tong pelikulang to nung college pa, pero sobrang nireco ko talaga na panoorin namin bilang sobrang nagagandahan ako dun sa pelikula.  saka hindi ko pa sya napanood sa big screen kaya gusto ko rin sana maexperience uli. at in fairness naman, ansaya ng viewing experience.  at ansaya lalo dahil nagustuhan nila yung pelikula.

takbo naman kami sa mrt station pagkatapos nung oldboy.  mag-aalas diyes na kasi nung makalabas kami ng sinehan, e kelangan pa naming habulin ang 10:30pm screening ng THE UGLY TRUTH sa glorietta.  answerte nga namin dahil nakasakay kami dun sa tren na nasakyan namin.  bilang yun na pala ang last sa mga sunud-sunod na tren...yung susunod sa kanya, after 30 minutes pa dadating.  so yun, mga 10:20ish nasa ayala station kami at nagmamadaling naglakad papunta sa glorietta 4.  sabi nga ni onin, 'literal na marathon' ang pinaggagagawa namin. haha. buti na lang pagdating namin dun, may mga ate pa sa ticket booth. tapos bili ng dinner sa wendys. blahblah. anyway, going to the film...ang saya saya nyaaaa!!! perfect na pantapos ng marathon at ng araw.  tawa lang kami nang tawa sa loob. sobrang nakakatuwa yung pelikula. paglabas nga namin ng sinehan, di pa matanggal ang smile sa mga mukha namin ni wap. we loved the film...especially the barurots! hahaha!

dumaan kami sa murano para icheck kung andun pa sina kuya lord brian kaso malas, sarado na sila pagdating  namin.  so call it sa day na lang.  sobrang saya lang talaga. happy happy joy joy weekend with friends. lovetth! ^_^

mem'ries

  • Sep. 30th, 2009 at 12:54 AM
glad
*fictional memories of a fictional character :)

kagabi antagal ko naghintay ng bus sa ayala. naalala kita. naalala ko nung sinasamahan mo ko makasakay dun at hinahatid mo pa ko sa bahay ko. nung panahong sobrang tagal natin nag-antay kaya nag-jeep na lang tayo papunta edsa. ok lang sumakay sa ordinary na bus, basta magkasama tayo.

tuwing naglalakad ako sa may delarosa papunta ng ayala, naaalala ko yung time na hinabol mo ko dahil nagwalk-out ako sa kabadtripan sayo dahil nagyosi ka. naaalala ko yung itsura mo na pagod na pagod at parang helpless, pero hindi ka tumigil sa pagtakbo hanggang maabutan mo ko.

kagabi rin, naalala ko yung time na tumambay lang tayo sa may bank of commerce, tapos naglakad sa kahabaan ng ayala dahil wala lang, ayaw lang natin maghiwalay. kahit pagod pagod ka galing sa shoot ng project mong tvc at may shoot ka pa uli kinabukasan.

tapos na yung tvc project ngayon. naaalala ko yung time na sinasamahan kita sa vfx habang ginagawa mo yung previs nung buong commercial at humihingi ka pa ng mga opinyon ko. tungkol sa mga galaw ng talents, sa camera movements, sa magandang angulo, sa pagkakaedit... kahit tapos na ko sa project ko, sinasamahan kitang magpuyat hanggang marealize mo na pagod ka na at antok at kelangan nang magpahinga... tapos pasimple kang kumakanta ng 'basta't kasama kita, ayus na ayus na ayus naaaa...' ni rico blanco.

tuwing umuulan, naaalala ko yung time na sumugod tayo sa ulan para lang makalayo sa opis at makakain sa world chicken. nagshare tayo sa isang payong at suot suot ko pa ang jacket mo. at speaking of jacket, naaalala ko rin yung time na kumain tayo sa perea at nakadress ako. umulan nung pabalik tayo ng opis.  pinahawakan mo sakin saglit yung payong mo, hinubad mo jacket mo, at isinuot sa akin pagkatapos. di ko nasabi sayo to, pero sobrang saya ko nung time na yun.  muntik na ko matunaw sa concern na pinakita mo.  umuulan din nung naglakad tayo sa kahabaan ng tomas morato at timog.  wala tayong pakialam mabasa, basta ang mahalaga magkasama tayo.  hanggang nakarating tayo sa starbucks.  at nakainom ng discounted kape.

andaming bumalik na memories sa akin kagabi.  it all reminded me kung gano mo ko pinasaya dati... at sinaktan afterwards...

minahal kita. ibinigay ko lahat. ni-risk ko ang maraming bagay. andami ko ring sinacrifice para sayo.  lahat ng ito ay dahil nauna mong sinabi, pinaramdam at pinakita sakin na mahal mo ako. magaling ka magsalita. pinaniwalaan ko lahat ng sinabi mo eh.  pinaniwalaan at pinanghawakan.


pero ang lahat ay napunta lang sa wala.

happy happy joy joy

  • Sep. 13th, 2009 at 9:01 AM
went 1
gusto ko lang ishare ang mga latest ganap ko in life. puro ube (ultimate bonding experience) with friends and family na gusto ko lang maalala in the future kaya ko isusulat ngayon. hehe. post-dark times.

last thursday, after church, naggrocery kami ng mga kapatid ko.  bonggang bonggang grocery mode nanaman ito para hindi kami magutom. bumili ako ng oven toaster para masarap tinapay namin pag umaga. hehe. peyborit ko talagang gawain to sa balat ng lupa. ang maggrocery. haha.

nung friday naman, nag-cine europa marathon kami nina juel at jued. si juel kapatid ko, si jued pinsan namin. ansaya nung dalawang pelikula, give the devil his due tapos the last summer. after ng sine, dumiretso ako ng makati para manood dapat ng kimmy dora with the boys pero tinamad sila kaya nagdinner na lang kami sa shabu shabu. kasama ko sina eli, onin, ryo at gino.  after magpakabusog, balik lang saglit sa opis tapos pumunta kami nina eli at onin kina jac. videoke night!!!! ansaya lang. ube with wap, jac and tofee. celebration ito ng pagiging successful ng house arrest ni wap. hehe. pagtapos ng kantahan, go tambay naman kami sa mcdo. kwentuhang walang humpay. happy happy joy joy lang.

saturday naman, me project ako kaya nasa opis ako nung hapon.  after ng mga ganap ganap, nagmeet kami ni wap at nanood ng kimmy dora! nameet ko rin pala ang frends nya na sina kp at anne.  pero nauna manood silang dalawa.  grabe sobrang sayaaaaa!!! di kami nakaget over agad eh. sobrang nirereco talaga namin tong panoorin ng lahat! lalo na yung boys para pamparelieve lang talaga ng stress.  pag pinanood na nila, sasama kami para mapanood uli. hehe. ganun kaganda at kasaya yung pelikula. weee!  after ng pelikula, naglakad kami papunta ng opis para icheck si onin bilang nagkasakit sya.  so pagdating dun, tambay tambay mode lang muna sa tapat ng opis.  tapos nung pumasok kami sa loob, bantay mode naman kay onin.  di kami umalis hanggat di pa sya/sila nakakakain.  nagpalipas nanaman kasi ng dinner yung mga yun.  at bilang friends, worried kami sa health nila.  lalo na dun sa payat na kulot.  nung dumating na yung food nila, umalis na kami ni wap. pero todo bilin kina eli na bantayan si onin at alagaan. hehe. very nanay mode lang.

sunday naman, nagmeet kami ni kacey sa trinoma.  friendship day. at dahil paimportante si kriz, kami pa talaga yung pumunta sa gateway. menage salon. tapos ikot ikot. tapos kain sa burgoo. with kriz and his star cinema frend. nakakatawa dahil ininterview nila ako at hindi talaga tinantanan ng mga tanong.  potek.  baka maging pelikula pa ang kwento ko a. haha.  after gateway, go kami sa makati ni kacey. bumili ako ng filipiniana dress sa sm. isusuot ko sa thursday sa malacanang. hehe. tapos nun uwian na.

tapos eto ko ngayon sa bahay. wala nanaman ako pasok bukas.hay. pero sa 20, game na. tuluy-tuloy nanaman ako sa opis nyan. hayhay.

im super thankful andami kong kaibigan at family na nagmamahal sakin. life support eh. mahal ko silang lahat. mawala na lahat, wag lang sila.

[kinda] best week ever...

  • Apr. 19th, 2009 at 12:44 PM
went 5
this has been a wonderful week. punung-puno ng pagkakaibigan at pelikula. oo, pelikula. films and friendships.

monday, special screening ng T2 para sa buong roadrunner. me mga nakilala at naging new friends ako dahil dito. hello wap! hehe.

wednesday, nanood ng fast and furious with jobert, kc [jobert's wife], eli, and onin. hindi ko makakalimutan ang bonggang bonggang pag-aantay namin ng bus sa ayala. more than one hour of waiting, kamusta naman. buti na lang sinamahan ako nina boy landi at boy kulot hanggang makasakay ako sa edsa. thanks uli, eli at onin!

thursday, submission finals ng mga estudyante ko. pati ng mga estudyante nina nestor at la.  nagpanel pa kami ni nestor sa viewing ng mga pelikula ng class ni la. at after nun, go naman kaming tatlo sa mogwai with ino magno. nanood ng screening ng thesis ng mga UP film students. astig. sobrang refreshing makakita uli ng mga astig na pelikula.  namiss ko bigla ang UP environment. nakita ko rin dun ang ilang old friends and new orgmates. grabe feeling ko bigla antanda ko na, bilang di ko na masyadong kilala yung ibang cineastes.  kabilang na kami sa mga tinatawag nilang 'sinaunang cineastes'. haha. oh well. highlight ng gabing to ang pagdating ni ping medina sa mogwai. grabe muntik ako magmelt. kras ko pa rin talaga sya hanggang ngayon. hihi!

friday naman, sa csb uli. first ever filmfest ng bavideo classes. astig. ansaya rin eh. pinalabas mga pelikula mula sa klase  ko, ni la, ni nestor, at ni emerson. i'm so proud nanalo yung isang grupo sa class ko ng best acting ensemble at best direction. ansarap pala sa feeling ng ganun. para akong nanay eh. proud na proud sa mga anak nya na nakagawa ng magandang pelikula at narecognize pa. astig. on the friendship side for this day, super thankful naman ako kay jam jimenez na pumayag magjudge sa filmfest na to. maraming salamat sa pagbibigay ng panahon.  after csb, bumalik kami sa opis para naman imeet ko si mara para sa mga damit nya. nagcloset clean up sale kasi sya at inavail ko yung ibang items na very mura lang ganyan. thanks uli mara! after that naman, bumonding kami ni meara sa greenbelt. sinamahan nya ko bumili ng backpack sa bratpack. tapos nagdinner kami sa pancake house with bonggang bonggang intellectual conversation about life, love, and everything in between. hehe. thanks uli frend!

saturday, hapihapi lang. enchanted kingdom with meara, ryo, onin, eli and lex. ansaya. di ako makaget over sa anchors away. pero saka na kwento nito, pag me kasama nang pictures. andun pa kasi sa camera nina onin at lex eh. popost ko rin pag nakuha ko na. pelikula part ng araw na to ay ang 4D experience, yeah! journey to the center of the earth. ansaya lang din, amazing!  sa araw na to, nadevirginize sina onin at ryo sa ek experience. at si eli ay sumakay ng space shuttle! yey! tapos me tumugtog pang mga banda.  grabe ang hot ni mark abaya. sori dave ha, alam ko kapatid mo yun. but still. hehe. sayang di na namin naavail ang pagtugtog ng pupil. pero keribels palsy lang. overall, masaya naman yung experience. tapos nagdinner pa kami sa giligans after. pinagreet nila ko dun sa showband at rumequest pa ng kanta for me raw. 'realize' eh. tsktsk. pero thanks pa rin frends. hehe.

ayun. it's a bonggang bonggang week. masaya ako. at malungkot at the same time. nakakalungkot kasi yung mga ibang bagay na narealize ko after ng lahat ng to. pero di ko na isheshare kung ano yun. akin na lang. and i think i have no choice but just to live with it... and hope that eventually in time, i'll move forward too.

nakamput. di to emo. masaya pa rin ako, pramis. hihi! rakenrowl!

what's my age again?

  • Apr. 14th, 2009 at 2:44 AM
glad
sabi sa kanta ng blink 182, 'nobody loves you when you're 23...'

weh.

di kaya. i just turned 23 at sobrang perfect lang ng mga kaganapan. i felt so special and loved! as in bonggang bongga.

nagsimula ang lahat nung april 11, saturday. me mga bumati na agad sakin at nagbigay ng gift at greeting card. thanks again atsoi! tapos nung 12 naman, sunday, bigla na lang ako niyayang lumabas ni kriz. ititreat nya raw ako kasi birthday ko at love nya ko. yes namaan kriz gazmen na kakauwi lang from a retreat in pangasinan! thanks sa masarap na dinner sa Jatujak at sa libreng sine pagkatapos. labs din kita, k? hehe. *ehem* kacey. sabi mo titreat mo rin ako bilang nagfail ka sa test of friendship. abangan ko pa rin yun k?

buong araw ng 13, andami rin mga bumati sakin. sa text, ym, multiply, facebook, friendster, at me mga tumatawag pa. grabe sobrang touched talaga ako naalala nyo ko guys.  well ano, sa csb wala lang.  hindi alam ng mga students ko na birthday ko kanina at kung meron mang may alam, di nila naalala.  ayus din. kasi kung me nakaalala, malamang nagpapizza ako. just like last year. e kaso wala. nakatipid ako. hehe. ay in fairness naman pala sa higher beings ng csb, binigyan nila ako ng birthday card. i will be remembered daw in the daily mass, the block rosary in the benildean community, and in the prayers of the blessed sacrament by the benildean prayer community for one year! tapos may handwritten note din na 'keep smiling...and praying!'  oha bonggz! natouch naman daw ako.

so after school, dumiretso na ko sa opis para bumonding sa mga tao bago pumunta sa special screening ng T2 sa rockwell. ansaya lang din ng lahat. binati nila ako nang bonggang bongga. kahit puro kalokohan, yung heart ko jumajump for joy pa rin. hehe. meara! thanks for the nice top! and leo, thanks for the coelho book!

at shempre ang climax ng lahat ay ang special screening ng T2.  ansaya lang nung cocktails. kinantahan nila lahat kaming april celebrants at bonggang bongga ang pagbati ng lahat.  at katulad nga ng sinulat ko sa previous entry, ayun nagfeeling ako na handa ko lahat ng andun.  set the mood ba. haha. hapi hapi lang. nag-enjoy naman lahat ng mga bisita ko. hehehe.

oo nga pala. tong araw na to, gutom lang ako forever. nag-light breakfast lang ako bago pumasok sa school. tapos ang next food na pumasok sa sistema ko ay yung binigay ni onin na turon. tapos yung mga pika pika na lang nung gabi. parang mali lang. dapat ata nagpapakabusog lang pag bertdey diba. but no! haha. pero keri lang. di ko na rin naisip yung gutom. mas nangibabaw yung busog na busog na heart ko. hehe. im so happy talaga. amperfect lang ng lahat eh.

sobrang salamat guys. sa pamilya ko at sa inyong lahat na mga kaibigan ko. lalo na sa inyong mga kaibigan ko. dabest eh. di ko man kasama family ko sa araw na to at kahit pag-uwi ko dito sa apartment ay mag-isa lang ako, ginawa nyo pa ring complete ang birthday ko. ang emo lang pakinggan o pero pramis, yung puso ko sobrang saya talaga ngayon. bonggang bonggang thanks talaga!

parang kulang yung words para maexpress kung gano ako kathankful at kasaya ngayon.  kaya tatapusin ko na dito tong entry na to. baka di na ko tumigil kakatenkyu eh. basta salamat talaga. mahal ko kayong lahat! as in.

ok stop it na.

on UBEs and birthdays...

  • Apr. 11th, 2009 at 10:54 PM
went 2
nag-jog kami nina meara at atsoi sa UP kanina. some ultimate bonding experience. yes naman para kay meara na nagbyahe pa mula parañaque at first time magcommute papuntang tandang sora. one step to maturity! congrats frend. hehe.

half acad oval lakad, 3/4 takbo. ayus din. tapos lakad papuntang lutong bahay para mag-shake. sarap pala ng apple shake, first time ko kanina. hehe. tapos tambay tambay sa oval sa likod ng bahay ng alumni hanggang magdilim. me nakita pa kong falling star, sayang di ako nakapagwish. pero alam na naman ni lord ang wish ko. pero feeling ko di nya igagrant. hay.

****
malapit na mag-13. ayoko pa magberdey. shets. mag-23 na ko nyan eh. waaaah!

pero shempre di natin pwedeng pigilan ang pagdating ng araw.  nakatanggap na nga ako ng greeting card at gift na blouse kanina. thanks atsoi!  ngayon lang ata ako nakatanggap ng card for my birthday.

sa monday, me class ako maghapon tapos sa gabi may ganap sa rockwell.  special screening ng T2 para sa lahat ng mga taga roadrunner. may cocktails included. isipin ko na lang handa ko yun tapos tinreat ko ang buong opisina. harhar. nakamura! [shet ang korni lang nung nakamura. project hero lang eh. tsk.]

a few small bruises

  • Mar. 7th, 2009 at 12:58 PM
went 3
hindi ako nanood ng eheads concert kahit may binigay na dalawang tickets sakin si ramon. nalulungkot kasi ako.  hindi naman depression.  basta lungkot lang. pwede pala mafeel yun nang yun lang. kahapon pa to eh. 

pumunta na lang ako sa UP nung hapon at bumili ng mga libro. kelangan ko kasi ng diversion.  kahit anong distraction in life. por dat, sophie kinsella is the answer. since nabasa ko na lahat ng shopaholic books, yung isa pa nyang libro binili ko.  the undomestic goddess.  masaya sya.  at dahil may promo sa store na 5% discount pag Php501 pataas yung nabili mo, nagdagdag pa ko ng dalawang libro.  hihi.  pordat, hello sa men are from mars, women are from venus at the greatest secret in the world.

tapos next week papahiramin pa ko ni meara ng para kay b.  yey andami ko na babasahin! grabe i really need this.  ayoko na mag-isip.  ayoko na rin tumengga nang matagal sa harap ng computer. kelangan ko gumawa ng maraming bagay at magpalawak pa ang mundo. 

hay.


"...except for a few small bruises, cuts and scars, well i'm fine" -maria mena

oplan wangkata the revenge

  • Mar. 1st, 2009 at 5:22 AM
went 6
nag-jog ako kanina sa UP wid la yamsuan and ramon bautista. ayus din. sarap.  kakamiss. saka kelangan na ring mag-oplan wangkata kasi summer nanaman. kelangan nang karirin ang pagjajog at aero kaebo. beach beach cmownst!

kaconscious din kasi yung tummy ko these days. parang gusto nyang humello world eh. kelangang pigilan. saka sabi ni ramon kapag tumatanda raw mas mahirap na mawala. kaya dapat habang maaga, iachieve na ang abs. naku gudlak.

sana magka-sked na ng outing yung roadrunner. excited na ko as in! gusto ko na maligo sa dagat at mahiga sa buhangin. hehe. or umakyat ng bundok. or kahit ano, basta may nature.

only you can get me out of this

  • Feb. 22nd, 2009 at 12:20 AM
went 1
this week, nabalik ang dokyu blood sa katawan ko. from tuesday to thursday kasi, tumulong ako mag-edit ng bagong dokyu ni ditsi carolino entitled Lupang Hinarang. grabe it's a dream come true for me na makatrabaho sya bilang idol ko na sya college pa lang.

ang ganda nung dokyu. kahit medyo nagkaron ng technical glitches nung premiere last thursday, kebs na dun dahil mas importante yung overall impact nya. grabe sobrang powerful nung dokyu muntik na ko maiyak. ilang beses ko na sya napanood during editing pero iba pa rin talaga yung effect nya nung napanood na sa big screen. lalo na nung nakita ko nang live yung mga farmers sa theater.

gusto ko na uli gumawa ng  dokyu. pramis gagawa ako this year.

ansaya rin nung tuesday to thursday dahil me mga nakabonding akong bagong tao like cha, carla and sir nonoy. well di naman talaga bagong tao si sir nonoy bilang naging teacher ko sya sa film sound nung college. pero nito ko lang sya nakakwentuhan nang bonggz. nakakatuwa yung maexpose uli sa iba't ibang ideas and perspective sa mga bagay bagay sa mundo. nachachallenge nanaman ako mag-isip at i-contest ang mga paniniwala ko eh.

nakakamiss ang UP.

oh well.

kahapon naman, friday, first time ko pumasok sa opis for the week. namiss ko mga tao. at namiss din daw nila ako. hehe. pero sulit sulit naman ang araw bilang bumonding kami nang bonggz hanggang umaga. dinner sa subway with the three musketeers tapos toyz after.  attendance check sa toyz: onin, eli, ryo, meara, majo, marvin, ron, musse, frend ni musse, mike, mary, josel, geoff, at frend ni geoff. tapos after dun, kape naman wid onin and eli. past 4am na ko nakauwi.

hayz. ayus din. i'm happy. just lovin' and livin' the life. very steady lang.

balentaym post 2009

  • Feb. 14th, 2009 at 3:55 PM
went 2
andaming ganap sakin kahapon, feb 13.  the night before that, wala ako tulog dahil sa isang project. tapos by lunchtime ng 13, pumunta kami ni carleen sa godiva para magpaka-vain. hehe. grabe lang yung vanity things ng mga babae talaga. pero ayus din, happiness naman eh. saka treat na namin yun sa mga sarili namin. after nun, nag-bus ako pauwi.  antagal ng byahe pero sinadya ko talaga mag-bus para makatulog naman kahit pano.

pagdating sa bahay, naligo lang at nagbihis uli para naman sa iba pang ganap.  pumunta ako sa ateneo para i-meet si ditsi carolino na nagpapatulong mag-edit nung dokyu nya na next week na ipepremiere. nakakaflatter na ako yung tinawagan nya for that pero nakakapressure din at the same time. kelangan mameet ko expectations nya. waaah!

after ateneo, go naman ako sa opis para sa robot at independencia. after ko gawin yung robot, nagdinner kami nina onin, eli, eman at gibs sa dusit thani sa glorietta. pero before nyan, andami pa naming struggle kasi di makapagdecide kung saan kakain. me tambay moments pa sa greenbelt 5 tapos antagal pa naming nagpaikut-ikot sa glorietta bago napagdecidean na i-try ang dusit thani. ok lang yung curry nila. tapos ansarap nung chicken na nakabalot sa pandan. nanlibre sina onin at eman, yes naman.  hehe.  tengks guys!

bumalik kami sa opis at nagplano pa ng ganap later on in life pero di na natuloy. tinapos ko yung archive ng independencia to realize later on na langkwents pala dahil hindi ko rin nakita yung kelangan kong files. kaya nasayang yung ilang oras na paghihintay ko. pero ayus lang, sinalubong ko ang 12 o'clock nang kabonding sina josel, levi, romel at dave yu sa lounge.  pinaavail samin ni josel yung binigay sa kanyang dark chocolate.  yumyum!  me bagong kaalaman din pala kami that night.  sabi ni dave, ang valentines daw ay inimbento lang ng hallmark. oha.

ay! may kwento pala ako na worth bloggable talaga. kagabi kasi, pumunta ako sa mini stop para magpaload. bago ako pumasok, me nauna sakin na lalaki. bumili rin sya ng globe card. e tapos nagtanong ako sa counter kung may load sila, meron daw, card lang. so sabi ko, sige globe 100. so pinunch na nila yung card no, tapos sabi, 105 po.  e sakto lang na 100 yung dala ko nun. sabi ko na lang, 'ay!'  Tapos bigla nagsalita yung lalaki na bumili ng load,

GUY
[pertaining to the 5-peso coin na ginagamit nya pang-scratch nung card nya]
sayo na lang to

APOL
halaa

GUY
ok lang. hindi na naman tayo magkikita uli. hindi mo naman ako maaalala, hindi rin kita maaalala. hindi ko maaalalang may utang ka sakin...

APOL
na limampiso...

GUY
[matatawa]
oo, haha.

APOL
ayus ah. thanks.

GUY
no prob

Tapos lumabas na sya ng store. Shempre nakikinig lang samin the whole time yung kuya sa counter.

KUYA COUNTER
Kilala mo yun?

APOL
Hinde

KUYA COUNTER
Mabait talaga yun.

Haha. Ok. Kamusta naman. Ang surreal ng kaganapan na yun.  Paglabas ko ng mini stop, nakatayo pa rin sya dun sa may kotse nya. Nagsmile lang ako sa kanya at nagtenkyu uli. Sabi lang nya, 'no prob.'  Tapos naglakad na ko mabilis papunta sa opis.  Haha grabe.  Some surreal stranger encounter.


Anyway. Next story.  Nung pauwi na ko, tinext ko si Kriz kung nasa fair pa ba sya.  E nasa Drew's Katips na pala sya at pinapapunta nya ko dun bilang kelangan daw nya ng kaibigan.  So go naman ako at nag-usap kami nang bonggang bonggz dahil sa badtrip valentines nya.  Di ko na kukwento details.  Yung happy part na lang.  Nakabonding ko Star Cinema friends nya.  At Ateneo friends sa kabilang table. Ansaya lang. Perks ng pagiging single. Hehe.

Ayun. Sobrang long day for me.  Hinatid ako nina Kriz at Tey pauwi. Tulog nang bonggz at kanina nga, nagising ako 1pm na.  The life eh!

chumichill

  • Feb. 7th, 2009 at 10:23 PM
went 7
kagabi, after ng trabaho sa opis, tumuloy kami nina majo, she, lex, levi, eli at onin sa magnet bonifacio high street.  tamang relaks relaks after ng hardcore werk.

kagabi ko lang uli nakita magperform nang live ang bagong rivermaya. huli ko sila napanood, nung finals pa ng 'bagong liwanag.'  anlaki na ng improvement ni jayson. at shempre, wala pa ring kupas si japs. hangkyut talaga nya... hihi!  tumugtog din nyctinasty, ang banda ng babe ni majo na si levi. kala namin may urbandub at sandwich, wala naman pala. pero ayus na rin. hapi na ko sa maya.

sarap ng tulog ko pagkatapos o. tamang rest day lang talaga tong saturday na to. grabe namimiss ko na yung days na hindi ako pumapasok everyday... pero shempre hapi naman ako sa mga ganap sa opis ngayon. more projects more fun.  sana nga magtuluy-tuloy pa. pero sana rin may enough panahon para makapagrest.

oh well. malapit na valentines. masyadong commercialized yung idea, mejo naaapektuhan tuloy ako. haha emo lang o. tama na nga.

smile because it happened.

  • Jan. 10th, 2009 at 1:15 AM
went 1
ansarap ng libre. nanood ako kanina ng The Spirit courtesy of optima pipz. thanks kacey, bilang friend. and larry dahil naisip mo ko. haha. ang ganda nung pelikula. wala lang ako sa mood magsulat ng review ngayon kasi im antok and pagod na.

***
long day tomorrow. debut ng kapatid ko. at paparty sya. for the longest time umooppose ako sa idea ng pagpaparty nang kinda bonggz para lang sa debut. parang di kasi praktikal...and it's just another day anyway.

pero naniniwala ang kapatid ko na isa syang prinsesa.

kaya siguro hindi ako nagwagi sa pagiging kontrabida sa life nya. nag-PM sya sa sarili nyang party at in fairness andami nyang nadiskarte. at ngayon nga, tuluy na tuloy na ang pinapangarap nyang celebration ng 18th birthday nya.  por dat, support na lang ako. in the form of cake. haha wala pa rin ako nahahanap. lagi kasi ako sa opis. bukas na lang ako mageeffort nang bonggz.

***
kanina habang pauwi, nag-bus lang ako kaya nagkapanahon nanaman akong magcontemplate ng things.  at narealize ko na kelangan ko na ng bagong element in life. kahit ano. bagong ganap. bagong karakter. o libro siguro. o hobby. o whatever. basta kelangan lang madistract ang current routine/status ng life ko.

***
hay.

tugsh tugsh '08

  • Jan. 4th, 2009 at 12:29 AM
glad
hmmm...siguro madedescribe ko ang 2008 bilang maadventure at steady at the same time... here's a recap of kaganapans in my life last year.

JANUARY
  • nag-start ako magturo sa college of saint benilde. basic video production. i had a great time with my bibo students.
  • eto rin ang start ng pag-avail ko ng mature things like sss, bir, pag-ibig at kung anu-ano pa.

FEBRUARY
  • nagguest ako sa isang tv show, nainterview sa radyo at nainterview rin para sa isang magasin. all in one month! oha. di rin ako makapaniwala e. pero di naman to bigtime kaya steady lang.
  • parang rollercoaster ang nagaganap sa puso ko nang mga panahong to. let go move on phase dun sa taong nasa malayong lugar. tapos eto rin yung time na naavail ko uli si ren after a looong time. feb 13 nung nagbreakfast sya dito sa bahay kasama si jayson. ipinagluto ko pa sila nun. pero after nun wala namang masyadong ganap sa kanya kaya napansin ko ang pagpasok ng isang bagong karakter sa life ko.

MARCH
  • nagsimula akong magfall dun sa bagong karakter na yun.

APRIL
  • natapos ang class ko sa csb.
  • went to bicol w keith.

MAY
  • peak to ng happiness ko. as in.
  • first ever friendship day with kacey

JUNE
  • steady lang. rollercoaster of emotions pagdating sa buhay pag-ibig
  • naadik sa jogging at aero kaebo
  • roadrunner outing sa tanza, cavite

JULY
  • first travel for the year. hundred islands with my cousins and kacey. ansaya nito! andaming perstaym experiences for me like pagsakay ng bangka, pagsnorkel at pagkayak. hihi!
  • ang downside naman for this month ay ang pagstart magfall apart ng akala ko ay magiging masayang experience for my heartdisk space.

AUGUST
  • another masayang adventure for the year! travel to cagayan and cordillera with austrian pips. super dalayp talaga tong panahong to. first time kong makasakay ng plane. first time kong maexperience yung makaramdam ng real happiness pagkatapos kumain. first time ko rin maligo sa dagat habang pinagmamasdan ang langit na super magical ng ichura pag sunset. first time ko rin makipamuhay sa mga katutubo sa bundok. at first time makipagfrends sa mga europeo. hehe.
  • pero kahit me mga ganitong adventure, wazaque naman daw ang heartdisk space ko. malungkot.
  • kaya bumili ako ng bagong computer!
  • pero overall, steady lang ako nitong mga panahong to. pinagsabay yung saya at lungkot eh, kaya ang end result, ayun nasa gitna. steady.

SEPTEMBER
  • naavail uli si ej after 4 years. bakit nga ba september lang to ej? haha.
  • nagstart uli ako magturo sa csb. editing.
  • dito ko rin narealize na i've been tanga for the longest time kaya kelangan na talagang itigil ang kabaliwang yon. so yun.

OCTOBER
  • super steady ng life. as in. walang nagaganap. naadik lang ako sa one tree hill.
  • tapos nung latter part of this month, i started to appreciate yet another new character in life.

NOVEMBER
  • i started to be happy again. naadik sa opislayp. naging friends at nakabonding yung ibang artists. happiness.

DECEMBER
  • roadrunner life. halos dun na ko tumira dahil sa shake at iba pang projects. pero masaya.
  • natapos ang taon nang masaya. because of naganap na bonding with the birds dito sa metro, at bonding naman with ren dun sa bicol.
  • masaya rin ang family time. panahon for me na maggive back ng blessings na naachieve ko. or naganid, for that matter. hehe.

haaay. ayan. parang teleserye. andaming naganap. masaya at malungkot na experiences pero in general, mas lamang yung saya.

wish ko for 2009, sana magtuluy-tuloy lang yung happiness. and friendship. and love.  weeee!


***
"tugsh" - courtesy of ren. magkausap kasi kami habang sinusulat ko to at iniisipan ng title...at sinuggest nga nya yung 'tugsh'. haha, inside joke.
went 2
tapos na ang project surreal. wala na ko kasama magovernight dito sa opis. di na full house ang mga editing suite pag gabi. hay. antagal naman kasi matapos nitong project ko. loner mode tuloy ako tonight.

for the longest time, di ako frends with our vfx guys dati dito sa road.  as in tamang hello lang noon pag nagkakasalubong sa opis.  recently ko lang sila nakasama nang madalas. dahil forever sila umoovernight dito for project surreal, ako naman because of shake.  and well yeah, before pa pala nitong mga project na to, nakakabonding ko na sila.  nagstart ata ang lahat after nung bday ni josel. anyway. ansaya pala nila kasama.  yung mga first impression ko noon sa kanila na masungit, mayabang at suplado, sobrang kabaliktaran pala nila. as in. wala man lang traces of being ganun.  sobrang bait at nakakatuwa sila kasama sa tunay na buhay.  masaya at may sense kausap. dami ko rin natututunan. general knowledge and everything else.  perstaym ko rin makakain sa mga resto sa greenbelt 1, 3 and 5 with them. haha. at sila rin pala kasama ko nanood ng twilight last week.

masaya ang opislayp ko ngayon. sana laging ganito. excited na rin ako sa party sa friday. weeee!

sana matapos ang taon na to nang mas masaya pa...if u know what i mean... haha.

...

  • Nov. 28th, 2008 at 1:38 PM
went 2
napanginipan kita kagabi. ansaya. sana magkatotoo.

house s05e07

  • Nov. 16th, 2008 at 12:32 AM
went 7
sabi ni wilson ke house, "any relationship that doesn't end in a break up ends in death. everything falls apart in the end. that's your world view. the corollary, which you keep forgetting, is that you have to grab every chance for happiness."

tama. me point sya. oo nga naman. lahat naman natatapos nang wasak e. di mo masasabi kung kelan at pano. minsan unti-unti, minsan biglaan. kaya tama, kelangan iavail ang lahat ng pagkakataon para maging masaya. grab lang nang grab ng opportunity. live by the moment. kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. hehe. at dahil nga you'll never know kung kelan ka mawawasak, fair na yun para sa sarili mo diba. at least naging masaya ka. no regrets in the end.

and anyway, after mo naman mawasak, laging may mga pa-next. haha. another kilig-happiness-wasakations cycle.  at shempre, lagi mo winiwish na sana magtagal yung kilig at happiness stage at sana wag na dumating ang wasakations stage.  pero dahil inevitable nga yung last stage na yun, iwish mo na lang na sana dumating sya pag oldies na kayo. like lolo-lola level na.

masaya ako ngayon. yun lang.

Profile

glad
[info]ubalitla
apolitas

Advertisement

Latest Month

November 2009
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930     

Syndicate

RSS Atom
Powered by LiveJournal.com
Designed by Terri McAllister